Marahil minsan naisip mo kung saan dinadala ang mga sirang battery ng motor at sasakyan?
Nung 90s nauso ang pag aayos ng sirang battery ng sasakyan at truck.
Pero ngayon panahon year 2022 hindi na naayos ang mga sirang batterya. Base ito sa mga dating nag kukumpuni ng mga sirang battery ng sasakyan.
Ang tanong ngayon ano ang ginagawa sa mga sirang batterya?
Ayon sa nakausap ko na nag tatrabaho sa planta ng batterya. Tinutunaw nila ang tingga na laman ng sirang batterya. At ginagawang bagong battery ulit.
Kaya pala madaming umiikot na namimili ng sirang batterya.
Kung gusto mo matutunan ang negosyo sa sirang batterya halina at ituloy ang pag basa.
Mga kailangan sa negosyong buy and sell ng sirang battery.
1. Puhunan - sa halagang 1k makakapamili ka ng nasa 4 hanggang 5 uri ng batterya.
Naka depende ang presyo ng battery sa laki nito.
Selling/bentahan sa bagsakan ng sirang battery
Ns40 300
ns60 400
1SM 500
2sm 600
3sm 700
6sm 800
2d 1,000
4d 1,300
ito ay nagbabago bago ang presyo depende sa ekonomiya ng bansa.
2. Sasakyan - kolong kolong. Sidecar
Para mas madami ka malulan na battery. Para hindi din sayang ang pag iikot mo.
3. Connection - mapagbebentahan ng sirang battery na naipon mo. Madaming umiikot para bumili nyan. Iba iba ang presyo nila.
Search mo sa facebook madami namimili ng sirang battery duon na malapit sa lugar mo.
Kapag nagamay mo ito hindi ka magugutom. ☺️
No comments:
Post a Comment